News

green leaf
green leaf

【Mahalaga】Epektibo sa Abril 2026: Listahan ng mga Paglabag sa Trapiko sa Bisikleta at Parusang Multa

Simula sa Abril 2026, ipatutupad na ang “Blue Ticket” (Aokippu) para sa mga lumalabag sa batas trapiko gamit ang bisikleta (edad 16 pataas). Ang mga paglabag tulad ng pagbalewala sa signal o paggamit ng cellphone habang nagbibisikleta ay may kaukulang multa na mula 3,000 yen hanggang 12,000 yen.

Dapat bayaran ang multa sa bangko o post office bago sumapit ang itinakdang petsa.

Bagama’t hindi sapilitan at walang multa ang hindi pagsuot ng helmet (voluntary effort), hinihikayat ang lahat na magsuot nito para sa sariling kaligtasan.

Mga Halimbawa ng Multa:

  • Paggamit ng cellphone o paggamit ng payong habang nagbibisikleta : 12,000 yen o 5,000 yen
  • Angkas (dalawang tao sa isang bisikleta) o walang ilaw sa gabi: 3,000 yen o 5,000 yen
  • Pagwawalang-bahala sa traffic light o pagbisikleta sa kanang bahagi ng kalsada (wrong way): 6,000 yen

Reference(参考):Cyclists will be issued with tickets for traffic offences(自転車も交通反則通告制度開始)