About us






History
Ang “Masayang Tahanan” ay isang komunidad ng mga Pilipino sa Kobe. (Ang ibig sabihin ng Masayang Tahanan ay “Happy Home” sa wikang Filipino.)
Nagsimula ang Masayang Tahanan noong Abril 2015 sa tulong ng “Workmate,” isang organisasyong nagbigay ng lugar kung saan ang mga nanay na Pilipina ay maaaring mag-aral ng wikang Hapon at humingi ng tulong para sa mga takdang-aralin sa paaralan ng kanilang mga anak.
Nakatuon ang aming mga aktibidad sa pag-aaral ng wikang Hapon upang mapabuti ang kaalaman at kasanayan sa komunikasyon ng bawat miyembro, mapalakas ang kanilang tiwala sa sarili, at magsilbing pundasyon para sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.
Mula noong Abril 2020, naging malaya ang organisasyon bilang isang komunidad na pinapatakbo mismo ng mga miyembrong Pilipino, gamit ang activity room sa “Kobe Center for Overseas Migration and Cultural Interaction.”
Objectives
Layunin ng aming grupo na patatagin ang pundasyon ng komunidad, magsagawa ng mga session para sa pag-aaral, magbahagi ng impormasyon, at magbigay ng konsultasyon. Sa pamamagitan ng mga aktibidad ng “Masayan Tahanan,” hangad naming makabuo ng isang kapaligiran kung saan ang mga Pilipinong naninirahan sa Japan at ang kanilang mga pamilya ay nagtutulungan at namumuhay nang may kapanatagan.
Bukod dito, layunin din naming palalimin ang pag-unawa sa lipunang Hapon at magsilbing tulay sa pagitan ng dalawang kultura. Bilang mga miyembro ng lokal na komunidad, kami ay nakikilahok sa iba’t ibang aktibidad para sa pagpapalitan ng kultura upang makamit ang isang lipunang may pagkakaisa at pagrespeto sa pagkakaiba-iba (multicultural coexistence).




Organization Profile
Name
Masayang Tahanan
Address
3F, 3-19-8 Yamamoto-dori, Chuo-ku, Kobe-shi, Hyogo
Phone
078-862-6519
Website
Schedule of Activities
Office Hours
Tuwing Martes at Biyernes (Every Tuesday and Friday)
Consultation Day
Tuwing Martes ng hapon (Every Tuesday afternoon)
Study Group / Workshop
Ikalawa at Ikaapat na Linggo ng buwan, tuwing hapon (2nd and 4th Sunday of the month, every afternoon)
Board of Members
Representative
Mary Jean Noda
Secretariat / Vice Representative
Flora Kawaguchi
Our 6 Visions
Pagpapahusay ng Kasanayan sa Trabaho at Tulong sa Pagtatrabaho
Ang Masayang Tahanan ay nagsasagawa ng mga programa na makapag makapag-aral (Nihongo, Computer, Nursing Care, Seminar, Study Tour, atbp.) upang roon ng pagkakataon na magamit ang mga kakayahan at mga natutunan sa pag-pili ng trabaho.

Pagsulong ng Komunikasyon ng Magulang-Anak at Komunidad sa Pamamagitan ng Wikang Hapon
Maitaguyod ang komunikasyon sa pagitan ng mga magulang gamit ang Nihongo at ang sariling wika, at upang magkaroon nang tapang at tiwala sa sarili na makipagmakipag-usap sa mga taong nakapaligid sa komunidad.

Pagbabahagi at Paghahatid ng Impormasyon na Makatutulong sa Pamumuhay
Makapaghatid ng mga pinakabagong impormasyon tungkol sa mga nagaga nap sa kapaligiran at makapaghatid ng mga kapaki kapaki-pakinabang na kaalaman at anunsyo na magagamit sa pang pang-arawaraw-araw na pamumuhay.

Pagpapakilala ng Kultura ng Pilipinas at Pagkakaroon ng Pag-uunawaan sa Pamamagitan ng Pakikipag-ugnayan sa Komunidad
Makilahok sa mga ibento at aktibidad ng iba tt-ibang organisasyon sa pamamagi-tan ng pagluluto at pagtitinda ng mga pagkaing Pilipino, pagtatanghal ng mga tradisyonal na sayaw at awiting Pilipino, pakikipag pakikipag-ugnayan sa local na komuni-dad, upang ipakilala at maipaunawa ang mga kultura, kaugalian at magagandang katangian ng Pilipinas.

Pagsasagawa ng Kaganapan para sa Pagpapalitan ng Iba’t Ibang Kultura (Christmas Party)
Nagsasagawa ng Paskong Pinoy Party ” na kung saan dinadaluhan ng mga Hapon at iba pang dayuhan, at dito ay nagkakaroon ng Palitan ng Regalo ”, mga palaro tulad halimbawa ng Bingo Game ”, Stage Programs at pagsasalu pagsasalu-salo sa pagkain na lutong pinoy.

Pagkakaisa ng Komunidad ng mga Pilipino sa Japan at Pagtatamo ng Matatag na Pamumuhay
Ang mga miyembro na naninirahan sa Kobe City at sa mga karatig karatig-lugar ay may adhikain na magkaisa na maipatupad ang mga makabuluhang programa at mga aktibidad ng Masayang Tahanan upang makatulong sa Pilipino na naninirahan sa Japan na magkaroon ng mas mapayapa at maayos na pamumuhay.
