Ang KYOKAN KIFU 2025 na sinalihan natin ay nagtapos na po kahapon, March 31, 2026. Hindi man po umabot sa kalahati ng target natin na 100 lapad (100 man en) ay malaki pa rin po ang magagawa ng ating nalikom upang maitustos sa mga gastos ng ating mga proyekto sa Masayang Tahanan. Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga nagbigay ng donasyon at tumulong upang maiparating sa mga tao ang tungkol sa “KYOKAN KIFU”.
Muli po, sa taong 2026 ay napahintulutan tayong makalahok sa proyekto ng NPO Hyogo Community Zaidan na “KYOKAN KIFU”.
Magsisimula po tayong muli sa ZERO yen, at target po natin na makalikom ng 100 lapad (100 man yen), April 1, 2026~March 31, 2027.
Hinihiling po naming muli ang inyong tulong at kooperasyon upang makamit ang target sa pagkakataong ito.
Ang layunin po ng mga donasyon ay upang maidagdag sa mga gastusin sa mga proyekto at programa ng Masayang Tahanan at maipagpatuloy ang pagsasagawa ng ating mga aktibidad.
Maraming-maraming salamat po !!!
MASAYANG TAHANAN
Executive Office
Officers, Coordinators and Staffs
Donation Program: Masayang Tahanan Special Website

