Other Activities


Multicultural & Community Activities
Nakikibahagi kami sa “Multicultural Town Planning Council” katuwang ang Chuo Ward, Kobe City. Nagsasagawa kami ng mga aktibidad gaya ng “Multicultural Festival” at “Multicultural Cafe” upang mapatibay ang ating ugnayan sa lokal na komunidad.


Study Tour
Nag-oorganisa kami ngtaunang Bus Tour na nagbibigay sa mga miyembro ng pagkakataon na maranasan at mas mapalalim ang kaalaman sa kultura at kasaysayan ng Japan.


Awareness Activities
Nagsasagawa kami ng mga seminar tungkol sa mga temang mahalaga sa pamumuhay dito sa Japan (gaya ng Disaster Preparedness Drill, Mental Health Care, at iba pa). Gumawa rin kami ng Disaster Prevention Calendar upang mas mapalawak ang kaalaman sa paghahanda sa sakuna.


Christmas Party
Nagpaplano ang aming mga miyembro ng isang masayang Philippine-style Christmas Party kung saan naghahanda at nagsasalu-salo kami sa isang masarap na “Masayang Tahanan Lunch.”

