Living Information

green leaf
green leaf

Paano Magtapon ng Basura sa Kobe City Paano ang Pagtatapon ng Basura sa Bahay

  • Sa Kobe City ay mayroong isang panuntunan sa pagtatapon ng basura.
  • Upang mabawasan ang basura at mai-recycle ang mga basura, ang Kobe City ay nagdesisyon kung kailan ang paglalabas ng mga basura,bumili lamang ng plastic ng basura at ilagay ito.
  • Sa Kobe City, ay mayroong tinatawag na “Clean Station” , lugar kung saan inilalagay ang mga basura.
  • Depende sa uri ng basura, ang araw ay iba-iba. Mangyaring ilabas ang mga basura sa itinakdang araw mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga sa itinalagang “Clean Station”.
  • Kung ilalabas mo ang basura noong nakaraang gabi, bubuksan ng mga uwak, pusa, ligaw na baboy-damo, atbp ang mga bag at ikalat ang basura.
  • Paghiwalayin at ilagay sa mga itinalagang bag (hindi kasama ang mga silindro ng cassette, spray can, at sobrang laking basura)
    Gawing sapat ang bigat upang mahawakan gamit ang isang kamay at itali nang mahigpit ang bibig ng itinalagang bag.
    Ang mga itinalagang bag ay ibinebenta sa mga supermarket, convenience store, home center, atbp.(Mayroong 3 sukat na 45ℓ・30ℓ・15ℓ)

May nakalagay na linya ng scale upang makita ng mga tao ang pagdami ng basura sa araw-araw, at may mga mensahe upang mabawasan ang basura, tulad ng pag-recycle ng papel at pagbabawas ng pagtapon ng pagkain.

Upang maiwasan ang mga aksidente sa sunog at pagsabog, ang mga patakaran ay binago upang hindi mailagay sa mga itinalagang bag para sa gas cylinder at spray can Kundi nararapat na itapon sa mga itinalagang bag (hanggang sa 15 litro) kung saan ang mga nilalaman ay makikita at ipinahayag sa mga larawan.

” Lata, bote, plastik na bote” ” Mga Plastik na Lalagyan at Packaging”

Upang itaguyod ang paghihiwalay at mapabuti ang kalidad ng pag-recycle, ipinapahayag ang mga item na i-recycle at ang marka ng pag-aayos na may malalaking paglalarawan at mensahe.

① Gumamit ng itinalagang bag ng Kobe City(Garbage bags, napagpasyahan ng Kobe City).

  • Ang mga itinalagang bag ay nabibili sa mga convenience store at supermarket.
  • Iba’t-iba ang uri ng basura.
  • Huwag isabay ang pagtatapon sa ibang uri ng basura.
  • Para sa uri ng basura at itinalagang bag, mangyaring tingnan ang larawan sa ibaba.

② Ilagay ang basura sa “Clean Station”.

  • Ang “Clean Station” ay lugar kung saan itinatapon ang basura.
  • Maaari mo lamang itapon ang basura lugar na may nakasulat sa “Clean Station”.
  • Tanungin ang kapit-bahay o ang may-ari ng bahay (nagmamay-ari ng bahay) o ang tagapangalaga ng iyong tinitirahan tungkol sa lokasyon ng “Clean Station”.

③ Araw ng paglalabas ng basura

  • Ang araw ng pagtatapon ng basura ay nakatakda depende sa uri.
  • Ang araw ng pagtatapon ng basura ay nakasulat sa “Clean Station”.

④ Oras ng pagtatapon ng basura

  • Mangyaring ilabas ang basura mula alas-5 ng umaga hanggang alas-8 ng umaga sa araw na napagpasyahan ng Kobe City.